Mga Bawal, Sanhi, Sintomas, at Panglunas sa Goiter, Thyroid Problems at Anxiety!


Ang thyroid gland ay isang maliit pero napakaimportanteng organ sa ating katawan. Kapag ito’y nagkaproblema, puwedeng magdulot ng iba’t ibang kondisyon tulad ng goiter, hyperthyroidism, hypothyroidism, at maging anxiety. 

Ngayon, alamin natin ang mga sanhi, sintomas, at ang mga posibleng lunas sa mga ito:


Sanhi ng Goiter at Thyroid Problems:

  • Kakulangan sa Iodine - Ang iodine ay mahalaga sa paggawa ng thyroid hormones. Kapag kulang ito, puwedeng lumaki ang thyroid na tinatawag nating goiter.

  • Autoimmune Diseases - Ang mga kondisyon tulad ng Graves’ disease (sobrang thyroid hormone) o Hashimoto’s thyroiditis (kakulangan ng thyroid hormone) ay nagdudulot ng hindi tamang pag-function ng thyroid.

  • Thyroid Nodules - Mga bukol sa thyroid na maaaring benign o cancerous.

  • Genetics - Maaaring mamana ang thyroid problems, lalo na kung may history nito ang pamilya.

  • Stress at Infections - Puwedeng mag-trigger ng mga autoimmune responses na nakakaapekto sa thyroid.


Sintomas ng Thyroid Problems:

  • Para sa Goiter:

  1. Pamamaga sa leeg
  2. Hirap sa paglunok o paghinga
  3. Pamamaos ng boses
  4. Pagkakaroon ng ubo o pakiramdam na may bara sa lalamunan.

  • Para sa Hyperthyroidism (Sobrang thyroid hormones):

  1. Biglaang pagbaba ng timbang
  2. Mabilis at irregular na tibok ng puso
  3. Pagkabalisa, panic attacks, at insomnia
  4. Pagpapawis kahit hindi mainit
  5. Tremors o panginginig ng mga kamay


  • Para sa Hypothyroidism (Kakulangan ng thyroid hormones):

  1. Pagkapagod at panghihina
  2. Pagtaas ng timbang
  3. Pagkabalisa o depresyon
  4. Panlalamig
  5. Constipation


Anxiety at Thyroid:

Hindi alam ng marami, pero may malapit na kaugnayan ang thyroid problems sa anxiety. Lalo na kapag hyperthyroid ka, puwedeng magdulot ito ng sobrang nervousness, anxiety attacks, at irritability. 

Ganun din naman, ang stress o anxiety ay puwedeng makapagpalala ng thyroid problems.


Paano Nakakaapekto ang Thyroid Problems sa Pagbubuntis?

Ang thyroid problems, gaya ng hypothyroidism at hyperthyroidism, ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto sa pagbubuntis kung hindi ito maagapan. Importante ang tamang pag-function ng thyroid gland, dahil ang hormones nito ay responsable sa paglaki at development ng sanggol, lalo na sa unang trimester.


Mga Posibleng Epekto ng Thyroid Problems sa Pagbubuntis:

Hypothyroidism: Kapag mabagal ang thyroid, maaaring makaranas ang buntis ng fatigue, weight gain, constipation, at dry skin. Kung hindi na-manage, ito ay maaaring magdulot ng komplikasyon tulad ng:

  • Preterm birth (maagang panganganak)
  • Mabagal na development ng utak at katawan ng baby
  • Mababang timbang ng sanggol
  • High blood pressure o preeclampsia
  • Placental abruption

Hyperthyroidism: Kapag sobrang active naman ang thyroid, maaaring magdulot ito ng palpitations, weight loss, anxiety, at overheating. Ang hindi naagapan na hyperthyroidism ay posibleng magresulta sa:

  • Mababang timbang ng baby
  • Preterm birth
  • Stillbirth (pagkamatay ng baby sa sinapupunan)
  • Heart failure sa ina



Ano ang Dapat Gawin?

Kung ikaw ay may thyroid problems, napakahalaga ng regular na pagbisita sa endocrinologist at OB-GYN. 

Kakailanganin mo ng close monitoring para siguruhing stable ang iyong thyroid levels, at maaaring mag-adjust ang doktor ng gamot mo para matiyak na ligtas ka at ang iyong baby.

Normal Delivery ba ang Expected? Posibleng magkaroon ng normal delivery kung nakontrol nang maayos ang kondisyon. Subalit, kakailanganin ng masusing monitoring ng medical team. 

Ang mga doktor mo ay titiyakin na ang thyroid hormones mo ay nasa tamang antas upang maiwasan ang mga komplikasyon.

Kung buntis ka at may thyroid condition, huwag mag-atubiling kumonsulta agad sa doktor para sa regular na check-up at tamang gamutan.  Ang tamang diagnosis at treatment ay maaaring magbigay sa'yo ng safe at healthy pregnancy journey.


Saan Dapat Magpa-Check Up Kung May Thyroid Problems?

Kung nakakaranas ka ng sintomas na nauugnay sa thyroid problems o anxiety, mainam na magpa-check up agad sa mga sumusunod na espesyalista:

  • Endocrinologist – Ang doktor na dalubhasa sa mga hormone-related conditions gaya ng thyroid disorders. Sila ang magsasagawa ng mga kinakailangang tests tulad ng blood tests para sa thyroid function, at magbibigay ng tamang gamutan.

  • OB-GYN – Kung ikaw ay buntis o nagpaplanong magbuntis, siguraduhing kumonsulta rin sa iyong OB-GYN. Ang doktor na ito ang magmo-monitor ng iyong pagbubuntis at titiyakin na ligtas ang iyong kalagayan, lalo na kung may thyroid problems ka.

  • General Practitioner – Maaaring magsimula sa iyong regular na doktor o family doctor para sa initial evaluation. Maaari ka nilang i-refer sa mga espesyalista depende sa iyong kalagayan.


Paggamot at Lunas sa Thyroid Problems:

  • Thyroid Medication - Para sa hypothyroidism, karaniwan ang hormone replacement tulad ng levothyroxine. Para naman sa hyperthyroidism, madalas ginagamit ang antithyroid drugs para mabawasan ang hormone production.

  • Surgery o Radiation Therapy - Sa malalang kaso tulad ng cancer o toxic nodular goiter, maaaring kailanganing operahan o sumailalim sa radioactive iodine treatment.

  • Lifestyle Changes - Regular na ehersisyo, balanseng pagkain, at pag-iwas sa mga stressors ay malaking tulong para sa pangkalahatang kalusugan ng thyroid.

Ano naman ba ang mga bawal sa Goiter o Thyroid Problems?

Kung ikaw ay may hyperthyroidism, mahalaga na tukuyin ang mga pagkain at sangkap na maaaring makaimpluwensya sa kalusugan ng iyong thyroid gland.


Narito ang mga ilan sa mga pagkain at sangkap na kailangan dapat mong iwasan o limitahan:


BAWAL SA MAY, GOITER, HYPER:

  • Pagkain na mataas sa iodine: Ang iodine ay isang mineral na mahalaga para sa kalusugan ng thyroid gland, ngunit ang sobra-sobrang iodine intake ay maaaring magdulot ng pagtaas ng produksyon ng thyroid hormones. Iwasan ang mga pagkain na may mataas na iodine content, tulad ng mga seafood (tulad ng alimango, hipon, at isda), kelp, seaweed.

  • Cruciferous vegetables: Ang mga gulay na mayroong goitrogens, tulad ng replyo, broccoli, cauliflower, kale, at Brussels sprouts, ay maaaring maka-apekto sa thyroid function kapag kinain ng sobra. Maaring ito ay hindi direkta na bawal, ngunit maaaring i-limit ang kanilang konsumo, lalo na kung mayroong malubhang hyperthyroidism.

  • Caffeine: Ang caffeine mula sa kape, tsaa, cocoa, at iba pang mga inumin na may caffeine ay maaaring magpalala ng mga sintomas ng hyperthyroidism, tulad ng palpitations at anxiety. I-limit ang pagkakain ng mga ito o piliin ang mga caffeine-free options. 


  • Alak at Sigarilyo: Ang sobrang pag-inom ng alak at pagsigarilyo ay maaring maka-apekto sa thyroid function at maaaring magdulot ng komplikasyon. Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak at paninigarilyo.

  • Pagkain na mataas sa asin o alat: Ang sobrang asin sa iyong diyeta ay maaaring magdulot ng mataas na blood pressure, na maaring pabigatin ang mga sintomas ng hyperthyroidism. Iwasan ang mga pagkain na may mataas na asin, tulad ng processed foods, fast food, at mga iodized salt.

  • Matamis at mga processed foods: Ang mga pagkain na may mataas na asukal at mga heavily processed foods ay maaaring makaimpluwensya sa kontrol ng timbang, na maaaring maging problema para sa mga may hyperthyroidism. 

  • Spicy Foods: Maaaring mag-trigger ng palpitations o sobrang init ng katawan, na masama kung may hyperthyroidism ka.


BAWAL SA MAY HYPO:

  • Soy Products: Produkto ng soy, tulad ng tofu at soy milk, ay maaaring makaapekto sa ab sorpsiyon ng thyroid hormones.


  • Cruciferous Vegetables: Kahit na ito'y hindi palaging kailangan iwasan, sobrang pagkain ng cruciferous vegetables (broccoli, cauliflower, Brussels sprouts, kale) ay maaaring makaapekto sa thyroid function.

  • Iodine-rich Foods (for some cases): Ang mataas na iodine intake mula sa pagkain o suplemento ay maaaring makaapekto. Subalit, may ilang kaso na kailangan ng dagdag na iodine, kaya't mahalaga ang konsultasyon sa doktor.


  • Refined Carbohydrates: Iwasan ang sobrang pagkain ng refined carbohydrates at asukal.

  • Pangmatamis na Pagkain: Limitahan ang asukal at matamis na pagkain dahil may kaugnayan ito sa pagtaba at pagtaas ng blood sugar levels.


  • Gluten: Ang mga may autoimmune thyroid disease (Hashimoto's thyroiditis) ay maaaring may gluten sensitivity. Gluten-free diet ang nire-recommend para sa ilan.

Note: Dapat talagang magpatingin ka sa doktor its either may hyper or hypo ka, or may goiter ka or kung anoman ang karamdaman mo, upang matukoy ang tamang diet at mga bawal na dapat sundin, dahil iba-iba ang kalagayan ng bawat pasyente at depende sa uri ng thyroid problem.



Lifestyle Tips:

  • Avoid Goitrogenic Foods in Excess: Mga pagkain tulad ng broccoli, cauliflower, cabbage, at soy ay maaaring makapigil sa tamang thyroid function. Hindi naman kailangang iwasan ng tuluyan, pero dapat in moderation lang, lalo na kung hindi lutong mabuti.

  • Balanced Diet with Selenium, Zinc, and Iron: Kasama na dito ang pagkain ng selenium-rich foods tulad ng Brazil nuts at seafood, zinc-rich foods gaya ng whole grains, beans, at nuts, at iron-rich foods tulad ng red meat at spinach. Ang mga nutrients na ito ay mahalaga para mapanatili ang balanse ng thyroid hormone levels.

  • Regular Exercise but at the Right Intensity: Iwasan ang sobrang intense na exercise, lalo na kung hyperthyroid ka dahil masyadong mabigat para sa puso. Mag-focus sa moderate activities tulad ng walking, swimming, at stretching para mapanatili ang maayos na metabolism.

  • Manage Stress: Ang stress ay nakakaapekto sa thyroid hormones. Kaya mahalaga ang relaxation techniques tulad ng meditation, yoga, at deep breathing exercises para makaiwas sa biglaang hormone fluctuations.

  • Stay Hydrated and Avoid Sugary Drinks: Mahalaga ang sapat na pag-inom ng tubig araw-araw para sa maayos na metabolismo. Iwasan ang soft drinks at energy drinks na puno ng asukal, dahil maaaring mag-contribute ito sa weight gain at inflammation.

  • Get Enough Sleep: Importanteng matulog ng 7-8 oras para sa hormone balance. Ang kulang sa tulog ay maaaring mag-trigger ng hormone imbalances at palalain ang thyroid symptoms.

  • Limit Environmental Toxins: Ang mga toxins tulad ng mercury at lead mula sa household items at industrial products ay nakakasira sa thyroid health. Gumamit ng BPA-free plastic containers at umiwas sa mga produkto na may harmful chemicals.

  • Proper Medication: Kung may hypothyroidism, siguraduhing tamang oras ang pag-inom ng levothyroxine (karaniwang umaga bago kumain) para maging epektibo ang gamot. Kung may hyperthyroidism, sundin din ang tamang dosage ng anti-thyroid meds.

  • Avoid Smoking and Alcohol: Ang paninigarilyo at labis na pag-inom ng alak ay kilalang nakakapagpalala ng thyroid problems. Itigil ang paninigarilyo, at limitahan ang pag-inom ng alak para maiwasan ang mga komplikasyon sa thyroid at metabolismo.

  • Monitor Your Iodine Intake: Ang sobrang iodine ay maaaring magpalala ng hyperthyroidism, habang ang kulang sa iodine ay maaaring magdulot ng hypothyroidism. Magtanong sa doktor kung kailangan mo ba ng iodine supplements o sapat na ang nakuha mo sa pagkain.

  • Uminom ng tamang supplements: Makatutulong ang supplements gaya ng selenium, zinc, at vitamin D, malaking tulong ito sa thyroid health mo at pati narin sa overall health mo.


Mga Gamot na Pwede sa Thyroid Problems:

  • Levothyroxine – Para sa hypothyroidism, ito ay synthetic hormone na pumapalit sa kakulangan ng thyroid hormone.

  • Anti-thyroid Medications – Para sa hyperthyroidism, mga gamot tulad ng methimazole o propylthiouracil na nakakatulong pababain ang sobrang production ng thyroid hormones.

  • Radioactive Iodine – Ginagamit ito sa paggamot ng hyperthyroidism upang bawasan ang function ng thyroid gland.

  • Beta Blockers – Para maibsan ang palpitations o rapid heart rate na dulot ng thyroid problems.


Precautions with Contraceptive Pills:

  • Contraceptive Pills – Kung may thyroid problems ka, mainam magpatingin sa doktor bago uminom ng contraceptive pills. May mga cases na nakakaapekto ang pills sa thyroid hormone levels, kaya kailangan ng tamang assessment ng doktor.  Ang mga pills ay maaaring magpalala ng ilang sintomas ng thyroid disorders.


Gamot na Dapat Iwasan (Laging Mag-konsulta sa Doktor!):

  • Lithium: Maaaring makagambala sa thyroid function at magpalala ng hypothyroidism.

  • Amiodarone: Ang gamot na ito, na kadalasang ginagamit para sa heart problems, ay may mataas na iodine content na maaaring mag-trigger ng thyroid issues.


Ano ang magandang pang-lunas sa Goiter or Thyroid problem?

Ang goiter at iba pang thyroid problems ay maaaring makaapekto nang malaki sa kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Dahil ang thyroid ay responsable sa pag-regulate ng metabolism at iba pang mahahalagang proseso sa katawan, mahalagang mapanatili itong malusog.

Ang Quantumin Plus ay isang natural na supplement na mayaman sa minerals tulad ng magnesium, iodine, selenium, at zinc—mga sangkap na mahalaga para sa tamang paggana ng thyroid. Dahil dito, maraming gumagamit ang nakakaranas ng pagbawas ng pamamaga sa thyroid, mas magandang enerhiya, at mas balanseng hormone levels.

Kung gusto mong subukan ang Quantumin Plus, click mo lang ang link sa baba: 

Buy Quantumin Plus  here  ðŸ‘‰ https://goeco.asia/31w2c8af



Conclusion:

Mahalagang malaman ang mga bawal, sanhi, sintomas, at panglunas sa goiter, thyroid problems, at anxiety, lalo na para sa mga buntis. Mahalaga na maging maingat sa pagkain at lifestyle, Iwasan ang mga bawal at sundin ang tamang pangangalaga para maiwasan ang mga komplikasyon.. 

Sikapin din na laging magpa-check up sa doktor para sa mas epektibong pag-aalaga ng iyong thyroid health at kalusugan.

Kung gusto mo namang subukan ang Quantumin Plus, click mo lang ang link sa baba: 

Buy Quantumin Plus  here ðŸ‘‰ https://goeco.asia/31w2c8af


Salamat sa pagbabasa! See you sa next blog! 😊

Mas Bago Mas luma